Meron akong kaskwela
Gusto ko sanang malaman ang pangalan niya
Ngunit ako'y kinakabahan
Sa tuwing siya'y aking biglang lalapitan
Lecheng mga katropa
Ako'y laging kinukucha pagnakikita siya
San kaya ako kukuha
Ng lakas ng loob upang siya'y aking makilala
Chorus:
Kailan kaya makikita
Kailan kaya makukuha
Pag-ibig na inaasam ko sa iyo sinta
Hindi ko pipilitin
Ayokong pwersahin
Baka biglang dumugo
Ang iyong tinatagong puso
Minsan ika'y nakasabay
Nang ako'y nanghahalukay ng damit sa ukay-ukay
Ng di ko namalayan
Kamay mo pala'y biglang aking nahawakan
Tayo'y nagkatinginan
Tayo'y nag-usap na parang magkaibigan
At nang magkauwian
Aking nakalimutan
Itanong ang iyong tirahan at iyong pangalan
(repeat chorus except last line)
Kailan kaya makikita
Kailan kaya makukuha
Pag-ibig na inaasam ko sa iyo sinta
Hindi ko pipilitin ayoko kong pwersahin
Baka biglang dumugo
Ang iyong tinatagong puso
Send TINATAGONG PUSO Ringtone to your cell phone!